Video
Video

 

 

Alkalde ng Lungsod ng Quezon 
Matapos hagupitin ng Bagyong Ondoy (Ketsana) ang Kalakhang Maynila noong 2009, nabuo ang paninindigan ni Josefina “Joy” Belmonte, na noo’y bise-alkalde ng Lungsod ng Quezon, na pangangalagaan ang kalikasan.

Dahil sa mabilis na pagtaas ng baha dulot ng matinding pag-ulan, napilitang lumikas sa bubong ng kanilang mga tahanan ang mga tao. Sa pagbaba ng baha, nag-iwan ito ng tila ilog ng mga plastic bag, sachet at iba pang basura. Tumatak ang imaheng ito kay Belmonte, na naging alkalde ng lungsod noong 2019.

“Naniniwala ako sa mabuting pamamahala,” sinabi ni Belmonte sa United Nations Environment Programme (UNEP). “Kasama sa mabuting pamamahala ay ang pag-alaga sa kalikasan.”

Kaya naman nagpatupad si Belmonte, ikalawa pa lang na babaeng alkalde sa kasaysayan ng lungsod na tahanan ng mahigit 3 milyong katao, ng iba’t ibang patakaran at programa upang wakasan ang plastic pollution, labanan ang climate change at gawing luntian ang lungsod.

Bilang pagkilala sa kanyang pagsisikap na gawing tagapagbunsod ng kalikasan ang Lungsod ng Quezon, tinanghal si Belmonte bilang 2023 Champion of the Earth for Policy Leadership, isa sa pinakamataas na pangkalikasang parangal ng UN.

“Ang maalab na pamumuno at matatagumpay na palakad ni Alkalde Josefina Belmonte ay patunay na kayang lunasan ng mga lokal na pamahalaan ang mga pangkalikasang suliranin ng ating daigdig,” ani Inger Andersen, Executive Director ng UNEP. “Maaaring maging makina ng pagbabago ang mga lungsod na kinakailangan natin upang lutasin ang tatlong pandaigdigang peligro ng climate change, pagkawala ng kalikasan at biodiversity, at paglaganap ng polusyon at basura – at ang mga alkalde ay maaring manguna sa labang ito.”

Paglaban sa kalinangan ng pagtatapon 
Halos tatlong dekada naging kabisera ng Pilipinas ang Lungsod ng Quezon, hanggang ibinalik sa Maynila ang titulo noong 1976. Ngayon, ito ay bahagi ng Kalakhang Maynila at siyang pinakamataong lungsod na may naninirahang 3.1 milyon mamamayan.

Malalim ang ugnayan ni Belmonte sa lugar na ito – dito siya ipinanganak at lumaki, at ang ama niyang si Feliciano “Sonny” Belmonte ay nagsilbi ring alkalde ng lungsod.

Kahit laki sa pulitika, sa iba nabaling ang interes ni Belmonte, kasama na ang pagiging

arkeologo. Ngunit sa bandang huli, dininig din nya ang panawagan ng serbisyo publiko.

“Masusulit ang lahat ng pagisiskap kung maari kang pagmulan ng inspirasyon at pag-ugatan ng positibong pagbabago para sa milyun-milyong tao,” sabi niya.

Para kay Belmonte, kasama sa positibong pagbagago ang pag-una sa pag-alaga ng kalikasan upang makalikha ng lungsod na kaaya-ayang tirhan, luntian at kayang panatilihin.”

Sa pamumuno ni Belmonte, tinutukan ng Lungsod ng Quezon ang pagbabawas ng plastic pollution at pagpalawig ng gamit ng mga umiikot nang produktong plastik.

“Tulad sa ibang bahagi ng mundo, malaking problema ang plastic pollution sa Pilipinas dahil sa kultura ng pagtatapon,” sabi ni Belmonte. “Binabarahan ng mga plastik ang imburnal at napupunta sa dagat. Alam natin na ang mga basurang plastik ay nagiging microplastics na maaaring masama sa pagkain natin, sa hanging nilalanghap, at maging sa tubig na ating iniinom, na nakakasama sa ating kalusugan.”

Sa kamunduhan, ang pagkalulong natin sa mga produktong plastik ay lumikha na ng pangkalikasang kapahamakan. Taun-taon, tinatayang nasa 19-23 milyong tonelada ng plastik ang nauuwi sa mga tubigan at dinudumihan ang mga lawa, ilog at dagat. Upang mapigilan ang daloy ng duming ito, mahalagang bawasan ng mundo ang paggamit ng plastic, alisin ang mga isahang-gamit na mga produkto, at gamitin muli ang mga plastik na nandyan na at humanap ng mga alternatibong mas “environment-friendly.”

Sa pamumuno ni Belmonte, ipinagbawal na ng Lungsod ng Quezon ang mga isahang-gamit na balutan, kubyertos, straw, at lalagyanan para sa mga parokyano sa mga otel at kainan.

Mula 2021, ipinatupad ng lungsod ang programang “Trash to Cashback,” kung saa’y makakakuha ng pangkalikasang puntos ang mga mamamayan (na maari nilang ipambili ng pagkain o ipambayad sa kuryente) kapalit ng kanilang mga produktong platik na pwedeng maresiklo. Pinasimulan pa ng mga opisyal ng lungsod ang programang “Vote to Tote” kung saa’y ginagawang bag ang mga trapal na ginagamit sa kampanya ng halalan.

Gayunpaman, araw-araw sa Pilipinas, milyon-milyong mga isahang-gamit na sachet ang itinatapon, na isa sa mga pangunahing pinagmumulan ng mga plastik sa karagatan. Bagama’t nakakatipid ang mga tao sa paggamit ng mga produktong naka-sachet para sa mga pangangailangan nila sa pagluluto at paglinis, ayon sa mga dalubhasa, mahirap itong iresiklo kaya’t nagdudulot ng matinding pinsala sa kalikasan.

“Talagang nababahala ako sa kultura ng paggamit ng sachet. Ikinagagalit ko ito dahil umiiral lang ang kulturang ito dulot ng pagiging mahirap ng ating bansa,” sabi ni Belmonte. “Kailangan makisama ang mga negosyante at gawing mas mala-kalikasan ang mga lalagyan ng produkto nila.”

Upang labanan ang plastic pollution, inilunsad ni Belmonte noong 2023 ang isang programa upang magkaroon ang mga tindahan sa lungsod ng mga punuan ng mga produktong tulad ng panlinis at sabon. Tinatangkilik ang mga punuang ito dahil kadalasa’y mas mura ang pag-refill ng sariling lalagyan kaysa bumili ng bagong produkto. Ayon kay Belmonte, mahigit 6,000 pang tindahan ang magkakaroon ng punuan sa susunod na taon.

Noong nakaraang taon, isang makasaysayang panukala ang ipinasa ng UN upang magsulong ng isang legal na pandaigdigang kasunduan para wakasan ang plastic pollution. Matindi ang paniniwala ni Belmonte na talagang kailangan ang ganitong ka-ambisyosong kasulatan.

“Nais naming mga alkalde na mapasama sa mga usapan dahil malawak ang aming karanasang maiaambag,” aniya. “Nasa mga lungsod ang tunay na pagsisikap. Alam nating mas mabilis nagkakaroon ng pagbabago sa antas ng lungsod.”

Pagkamit ng tiwala

Sa ilalim ni Belmonte, nakabuo ang Lungsod ng Quezon ng isang mapagpitang plano na mabawasan ng 30% ang ibinubugang carbon ng lungsod sa taong 2030, at paabutin ito sa “net-zero” sa taong 2050. Nagdeklara ng state of climate emergency si Belmonte upang magamit ang 11-13% ng budget ng lungsod para sa mga programang nagpapagaan sa mga epekto ng climate change.

Upang labanan ang polusyon, nagbalak ang lungsod na doblehin ang bilang ng mga liwasan, paramihin ang mga electric bus, at palawakin ang mga daanan ng bisikleta bago mag-2030. Kabilang din sa mga plano ang pagsuporta sa pagsasaka sa lungsod at pag-pagamit ng mga kagamitang pangsaka sa mga pamayanan upang gawing methane gas na panluto ang mga basura.

Bagama’t pinaghirapan ni Belmonte na tahakin ang sarili niyang landas, hinding-hindi niya malilimutan ang payo ng kanyang ama: “Laging makisapi sa mga tao, lalo na sa mga mahihirap, sapagkat kapag pumunta ka sa mga ito at nakikita mo kung gaano kahirap ang buhay para sa mga taong nasa laylayan, hindi mo maiisip na abusuhin ang iyong kapangyarihan.”

Ito ay payo na humubog sa kanya bilang politiko at nakatulong na makamit niya ang tiwala ng publiko at sumikat sa mga botante. Siya ay muling nahalal na alkalde noong 2022 at lagi siyang nakakuha ng pinakamataas na antas sa mga alkalde ng Kalakhang Maynila.

“Kapag pinahahalagahan mo ang sinasabi ng mga tao, naniniwala din sila sa iyong adhikain. Iyan ang pinakamainam na paraan upang maiparating natin sa kanila ang ating mga pangkalikasang suliranin,” sabi ni Belmonte.

Cochin International Airport is the world’s first solar power airport. Its entire operations are powered by solar energy. The biggest and busiest airport of Kerala state in India, and the fourth busiest airport in India in terms of international traffic, Cochin International Airport became the world's first fully solar powered airport in 2015 – a project pioneered by Managing Director Vattavayalil Joseph Kurian.

Read our story

Thank you for subscribing.

dsfdsfdsfsdfsd

sdfsdf

The 2019 Champions of the Earth and Young Champions of the Earth award ceremony will be streamed on 26 September 2019, from New York starting at 7:30pm US Eastern Standard Time. Find your local time here.

View the award ceremony LIVE

 

Programme

6:30 p.m: Cocktail Reception and media launch

7:30–9:00 p.m: Gala Dinner and Award Ceremony

 

View 2019 Winners

Champions of the Earth

Young Champions of the Earth

 

 

The UN Environment Programme is delighted to work with partners to recognize and celebrate the outstanding achievements of the Champions of the Earth laureates.

It is thanks to their generous efforts that we can continue to celebrate their success. Our partners support the journeys of the Champions of the Earth and Young Champions of the Earth.     

Weibo

Weibo has committed to increasing efforts to address environmental protection and sustainable development, having already supported several UN Environment Programme campaigns across its networks in recent years, including World Environment Day and the Wild for Life campaign.